40-Anyos na Tulak, Tiklo sa Buy-Bust sa Bula
Aug 15, 2026, 7:20 PM

40-Anyos na Tulak, Tiklo sa Buy-Bust sa Bula
Arestado ang isang 40-anyos na lalaking kinilalang si alyas "Jojo" sa isang drug buy-bust operation sa Brgy. Inoyonan, Bula, Camarines Sur noong gabi ng Agosto 11, 2026.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 3.1 gramo at may kabuuang halaga na ₱21,080, pati na ang ₱500 marked money na ginamit sa transaksyon.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Bula Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(Courtesy: Bula MPS)
View original post