SENSITIBONG BALITA Bata sa Rizal, Nagsuka at Nagdumi ng 86 na Bulate

Aug 15, 2026, 3:50 PM

SENSITIBONG BALITA Bata sa Rizal, Nagsuka at Nagdumi ng 86 na Bulate RIZAL – Isinugod sa ospital ang isang bata matapos itong matinding manamlay at mangayayat. Sa pagamutan, laking gulat ng kanyang mga magulang na sina 'Vince' at 'May' nang sunod-sunod na isuka at idumi ng kanilang anak ang aabot sa 86 na malalaking bulate. Ayon sa pamilya, halos isang dangkal ang haba ng mga puting bulate. Nakuha umano ito ng bata sa madalas nitong pagngatngat at pagsubo ng maruruming kamay habang naglalaro. "First time ko pong makakita ng bata na nagsusuka ng ganyang bulate. Nakakapanghina po sobra," pahayag ng mga magulang. Paalala sa mga Magulang Upang maiwasan ang ganitong insidente, pinapayuhan ang lahat na: * Sanayin ang mga bata sa madalas na paghuhugas ng kamay. * Bantayan at sawayin sila sa pagsubo ng mga daliri. * Siguruhin ang regular na deworming o pagpapabulate sa mga health center.
View original post