MAGNITUDE 7.7 NA LINDOL AT MALIIT NA TSUNAMI, NAITALA SA INDONESIA

Aug 15, 2026, 1:23 PM

MAGNITUDE 7.7 NA LINDOL AT MALIIT NA TSUNAMI, NAITALA SA INDONESIA Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol at mga aftershock ang silangang bahagi ng Indonesia nitong Sabado, Agosto 15. Ayon sa ahensyang BMKG, tumama ang lindol bandang 4:58 ng madaling araw sa lalim na 15 kilometro, na nagdulot ng mga tsunami wave na mababa sa isang metro sa ilang baybaying lugar. Bagama't nagpataranta ito sa maraming residente para lumikas dahil sa matinding pagyanig, partikular sa Nagekeo at Bima, wala pa namang naiuulat na pinsala ayon sa national disaster mitigation agency. Courtesy Reuters
View original post