Mga Bagong Kaso ng ASF, Naitala sa Camarines Sur

Aug 15, 2026, 1:06 PM

Mga Bagong Kaso ng ASF, Naitala sa Camarines Sur Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) Bicol ang mga bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Camarines Sur matapos magpositibo sa Real-time PCR test ang mga isinumiteng blood sample. Mga Apektadong Lugar: * Iriga City: Brgys. La Purisima, Santiago, at La Trinidad * Naga City: Brgy. Carolina * Nabua: Brgy. Lourdes Old Mga Hakbang na Ipinapatupad: Agad na nagsagawa ng depopulation, surveillance, at monitoring sa mga naturang barangay. Inatasan na rin ang mga lokal na pamahalaan (LGU) na maghigpit sa border control at limitahan ang paggalaw ng mga baboy (hog movement restriction), kasabay ng puspusang paglilinis at disimpeksyon ng mga kulungan. Katuwang ng DA Bicol ang Bureau of Animal Industry (BAI), National Meat Inspection Service (NMIS), at mga LGU sa mahigpit na pagpapatupad ng biosecurity measures upang mapigilan ang tuluyang pagkalat ng virus sa rehiyon. Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa mga fake news at sumangguni lamang sa opisyal na Facebook page ng DA Bicol para sa mga lehitimong anunsyo. Courtesy DA bicol
View original post