DSWD BICOL AT ADB, NAMAHAGI NG MAHIGIT ₱28-M CASH ASSISTANCE SA 4.9K PAMILYA SA CAMARINES NORTE
Aug 14, 2026, 10:01 PM

DSWD BICOL AT ADB, NAMAHAGI NG MAHIGIT ₱28-M CASH ASSISTANCE SA 4.9K PAMILYA SA CAMARINES NORTE
Aabot sa ₱28.3 milyong halaga ng Emergency Cash Transfer (ECT) ang ipinamahagi ng DSWD Bicol katuwang ang Asian Development Bank (ADB) sa 4,939 na benepisyaryo mula sa mga bayan ng Talisay at Mercedes, Camarines Norte nitong Agosto 11 hanggang 13, 2026.
Ito ay bilang patuloy na tulong sa pagbangon ng mga pamilyang nawasak ang tahanan dahil sa Super Typhoon Uwan noong 2025. Nakatanggap ng tig-₱10,263 ang mga pamilyang labis na naapektuhan (severely affected), habang tig-₱5,287 naman para sa mga bahagyang naapektuhan (slightly affected).
Ayon kay DSWD Regional Director Norman Laurio, ang patuloy na paghahatid ng tulong para sa tuluyang pagbangon ng mga biktima ay alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Sec. Rex Gatchalian.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
View original post