Operasyon kontra 'Stray Dogs', sinimulan na sa Libmanan

Aug 14, 2026, 8:28 PM

Operasyon kontra 'Stray Dogs', sinimulan na sa Libmanan ​LIBMANAN — Pormal nang sinimulan kagabi ang panghuhuli sa mga pagala-galang aso sa Metro Poblacion upang mapigilan ang pagkalat ng rabies at maiwasan ang mga aksidente sa kalsada. ​Ayon sa lokal na pamahalaan, ipinapasa na rin sa mga opisyal ng lahat ng 75 barangay ng bayan ang responsibilidad sa panghuhuli ng mga aso't pusa dahil sa lawak ng munisipalidad. Nanawagan din ang pamunuan sa mga residente na maging responsableng pet owners. ​Tiniyak naman ng mga awtoridad na walang hayop na nasaktan at idinaan sa makatawong pamamaraan ang ginawang operasyon. Kasalukuyang nasa impounding center sa Brgy. San Pablo ang mga nahuling aso. ​Samantala, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod na multa para sa mga lalabag: ​Unang Paglabag: ₱500 ​Ikalawang Paglabag: ₱1,000 ​Ikatlong Paglabag: ₱2,500 ​Ang hakbang na ito ay bahagi ng kampanya tungo sa mas ligtas, disiplinado, at responsableng bayan ng Libmanan.
View original post