SEKYU, KALABOSO MATAPOS IPATUBOS ANG NINAKAW NA CELLPHONE
Aug 14, 2026, 5:13 PM

SEKYU, KALABOSO MATAPOS IPATUBOS ANG NINAKAW NA CELLPHONE
Arestado ang isang security guard sa entrapment operation ng PNP-ACG sa Minalabac, Camarines Sur matapos nitong magnakaw at mangikil.
Pinasok ng suspek ang bahay ng biktima at ninakaw ang cellphone nito, bago niya ito ipatubos sa mismong may-ari sa halagang P50,000. Nahuli ang suspek sa isang remittance center habang kinukuha sana ang pera.
Sinampahan na siya ng kasong Robbery (Article 294 ng Revised Penal Code) at paglabag sa Cybercrime Prevention Act (Section 6 ng RA 10175).
View original post