MAHIGIT 100 KATUTUBO SA CAMSUR, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG INTERNATIONAL DAY OF THE WORLD'S INDIGENOUS PEOPLES
Aug 14, 2026, 2:34 PM

MAHIGIT 100 KATUTUBO SA CAMSUR, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG INTERNATIONAL DAY OF THE WORLD'S INDIGENOUS PEOPLES
Camarines Sur — Upang kilalanin ang kanilang kultura at kontribusyon sa sektor ng agrikultura, nakiisa ang mahigit 100 katutubo mula sa iba't ibang bayan sa Camarines Sur sa paggunita ng International Day of the World’s Indigenous Peoples noong Agosto 12.
Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) Bicol 4K Program ang nasabing aktibidad, na dinaluhan ng kabuuang 102 indigenous peoples (IPs) mula sa mga bayan ng Buhi, Sagñay, Baao, at Lungsod ng Iriga.
Bilang bahagi ng pagtitipon, tinalakay ang mga pangunahing karapatan ng mga katutubo sa ilalim ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA). Binigyang-diin din sa programa ang kahalagahan ng Free, Prior and Informed Consent (FPIC) process upang maprotektahan ang kanilang mga lupang ninuno.
Bukod sa mga karapatang legal, ibinahagi rin ng DA sa mga katutubong magsasaka ang iba't ibang tulong at programa ng pamahalaan. Kabilang dito ang pagpaparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), pati na rin ang mga benepisyo mula sa Rice Program, Corn Program, at High Value Crops Development Program.
(Ulat at larawan mula sa Department of Agriculture-Bicol)
View original post