BAHAGI NG BAAO-IRIGA CITY-NABUA ROAD, ISASARA PARA SA KAMUY-AN FESTIVAL
Aug 14, 2026, 2:22 PM

BAHAGI NG BAAO-IRIGA CITY-NABUA ROAD, ISASARA PARA SA KAMUY-AN FESTIVAL
BAAO, CAMARINES SUR — Pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng Baao-Iriga City-Nabua Road sa iba't ibang petsa at oras mula Agosto 13 hanggang 22, 2026, upang magbigay-daan sa pagdiriwang ng Kamuy-an Festival.
Ayon sa abiso ng DPWH Region V-Bicol, sakop ng road closure ang kalsada mula sa harap ng Municipal Hall hanggang Angena Trading para sa mga aktibidad tulad ng grand opening, street dancing, at iba pang kumpetisyon.
Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin muna ang La Medalla–San Vicente, Baao Bypass Road bilang alternatibong ruta. Humihingi naman ng pang-unawa ang mga kinauukulan sa abalang idudulot nito sa daloy ng trapiko.
View original post