FOOD CART SA LOOB NG CITY HALL COMPOUND, NASUNOG
Aug 14, 2026, 1:57 PM

FOOD CART SA LOOB NG CITY HALL COMPOUND, NASUNOG
Sumiklab ang apoy sa isang food cart na nakapwesto sa loob ng City Hall Compound matapos masunog ang niluluto nitong paninda dakong 9:04 nitong umaga.
Nangyari ang insidente sa mismong tapat ng City Population and Nutrition Office. Mabilis namang naapula ang apoy kaya hindi na ito kumalat pa at nagdulot ng mas malaking pinsala.
Sa kasalukuyan, patuloy na nag-iimbestiga ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar upang matukoy ang eksaktong sanhi ng sunog.
View original post