Dating PNR Official, Tiklo sa mga 'Di Lisensyadong Baril sa Ragay

Aug 14, 2026, 11:59 AM

Dating PNR Official, Tiklo sa mga 'Di Lisensyadong Baril sa Ragay Arestado ang isang 63-anyos na dating opisyal ng Philippine National Railways (PNR) matapos makuhanan ng mga baril sa bisa ng search warrant operation sa Barangay Lohong, Ragay, Camarines Sur nitong August 12. Sa operasyong pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), tuluyang nasamsam mula sa suspek ang isang caliber .22 rifle, isang 9mm semi-automatic pistol, isang steel magazine para sa caliber .45, at sampung bala para sa 9mm na baril. Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Act.
View original post