ILANG INDIBIDWAL, SUGATAN SA AKSIDENTE SA DEL GALLEGO, CAMSUR
Aug 14, 2026, 9:40 AM

ILANG INDIBIDWAL, SUGATAN SA AKSIDENTE SA DEL GALLEGO, CAMSUR
DEL GALLEGO, CAMARINES SUR — Sugatan ang ilang indibidwal sa isang vehicular accident na naganap sa R. Andaya Highway, Barangay Magais 2, dakong 5:30 ng hapon nitong Agosto 13, 2026.
Agad na rumesponde sa pinangyarihan ang Del Gallego MDRRMO, BFP, at PNP, katuwang ang mga emergency responder mula sa kalapit-bayan ng Tagkawayan, Quezon upang saklolohan ang mga biktima.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang detalye ng insidente at ang kasalukuyang kondisyon ng mga nasugatan habang hinihintay ang opisyal na spot report.
(Impormasyon mula sa BFP Del Gallego)
View original post