Katawan ng binatilyong na-trap sa 17-metrong balon sa Kalinga, narekober
Aug 14, 2026, 9:17 AM
Katawan ng binatilyong na-trap sa 17-metrong balon sa Kalinga, narekober
PINUKPUK, KALINGA — Patay ang isang binatilyo matapos itong ma-trap sa loob ng isang balon na may lalim na 17 metro sa bayan ng Pinukpuk, lalawigan ng Kalinga.
Nagsagawa ng maselang retrieval operation ang mga awtoridad upang maiahon ang walang buhay na katawan ng biktima mula sa malalim na hukay. Sa ibinahaging video ng Bureau of Fire Protection (BFP) CAR Kalinga,i makikita ang naging maingat at pahirapang pag-ahon ng mga bumbero at rescue personnel sa labi ng nasawing binatilyo.
Patuloy pang inaalam ang buong detalye kung paano nahulog o na-trap ang biktima sa nasabing balon.
(Kuha mula sa: BFP CAR Kalinga)
View original post