LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAKUHAN NG MAHIGIT 2,000 LITRO NG GASOLINA SA CAMARINES NORTE
Aug 13, 2026, 3:51 PM

LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAKUHAN NG MAHIGIT 2,000 LITRO NG GASOLINA SA CAMARINES NORTE
STA. ELENA, CAMARINES NORTE — Inaresto ng mga pulis ang isang 37-anyos na lalaking kinilala sa alyas na 'Nono' matapos mahulihan ng nasa 2,050 litro ng undocumented na gasolina sa isang checkpoint sa Brgy. Don Tomas nitong madaling araw ng Agosto 13, 2026.
Lulan ng Mitsubishi L300 ang suspek nang mapansin ng mga awtoridad ang 61 galon ng petrolyo na nagkakahalaga ng nasa ₱150,000. Agad siyang inaresto matapos mabigong magpakita ng kaukulang papeles o awtorisasyon para sa pagbiyahe ng nasabing mga produkto.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sta. Elena Municipal Police Station ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.
View original post