JOLLIBEE, OPISYAL NANG MAGBUBUKAS NG SANGAY SA LABO BUKAS, AGOSTO 14

Aug 13, 2026, 2:53 PM

JOLLIBEE, OPISYAL NANG MAGBUBUKAS NG SANGAY SA LABO BUKAS, AGOSTO 14 ​LABO, Camarines Norte — Opisyal nang magbubukas bukas, Biyernes, Agosto 14, 2026, ang bagong sangay ng pambansang fast-food chain na Jollibee sa bayan ng Labo. ​Inaasahang dagsain ng mga residente at bumibiyahe sa lugar ang opisyal na pagbubukas ng naturang kainan upang tangkilikin ang mga sikat nitong pagkain tulad ng Chickenjoy, Jolly Spaghetti, at Yumburger. ​Ang pagdating ng bagong sangay na ito ay inaasahang magbibigay ng karagdagang sigla sa lokal na ekonomiya ng bayan, gayundin ng mga bagong oportunidad sa trabaho para sa mga mamamayan ng Labo at karatig-bayan. #jollibee #jollibeelabo
View original post