DALAWA SUGATAN MATAPOS BAGSAKAN NG PUNO ANG SASAKYAN SA CAMARINES SUR

Aug 13, 2026, 9:48 AM

DALAWA SUGATAN MATAPOS BAGSAKAN NG PUNO ANG SASAKYAN SA CAMARINES SUR BATO, CAMARINES SUR — Sugatan ang dalawang indibidwal matapos mabagsakan ng malaking sanga ng punong narra ang sinasakyan nilang Toyota Innova sa Maharlika Highway, Brgy. Agos, nitong hapon ng Agosto 12, 2026. Ayon sa Bato Municipal Police Station, nagpuputol ng puno ang mga tauhan ng DENR dakong 2:30 ng hapon bilang bahagi ng clearing operation. Sinenyasan na umano ng mga flagman na huminto ang 62-anyos na driver na si alyas "Dan," ngunit binalewala nito ang babala at nagpatuloy sa pagmamaneho, dahilan upang mabagsakan ang bubong ng kanilang SUV. Agad na isinugod ng MDRRMO ang driver at ang 61-anyos nitong pasahero sa Bicol Medical Center sa Naga City para lapatan ng lunas. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
View original post