HALOS 95 KILONG 'HOT MEAT', NASABAT NG MGA AWTORIDAD SA BULA, CAMSUR
Aug 13, 2026, 6:39 AM

HALOS 95 KILONG 'HOT MEAT', NASABAT NG MGA AWTORIDAD SA BULA, CAMSUR
BULA, CAMARINES SUR — Aabot sa 94.9 kilo ng "hot meat" o hindi dumaan sa inspeksyon na karne ng baboy ang kinumpiska ng mga awtoridad sa bayang ito nitong Agosto 12.
Nasabat ang mga nasabing karne sa ikinasang joint meat market monitoring and enforcement activity ng National Meat Inspection Service Regional Technical Operations Center V (NMIS RTOC V) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Bula.
Matapos itala sa blotter, agad na dinala ang mga kinumpiskang karne sa condemnation pit ng LGU slaughterhouse para sa wastong pagtatapon (disposal) upang matiyak na hindi na ito maibebenta o makokonsumo pa ng publiko.
Tiniyak naman ng mga kinauukulang ahensya na magpapatuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa mga pamilihan. Layunin nitong protektahan ang kalusugan ng mga mamimili at siguruhing tanging mga ligtas at pasadong karne lamang ang nakararating sa mga hapag-kainan.
(Impormasyon mula kay Dr. Alex Templonuevo)
View original post