157 Kaso ng Dengue Naitala sa Legazpi City;
Aug 12, 2026, 3:01 PM

157 Kaso ng Dengue Naitala sa Legazpi City;
Pag-iimbak ng Tubig, Itinuturong Dahilan
Umabot na sa 157 kaso ng dengue (anim dito ay kumpirmado) ang naitala sa Legazpi City, ayon sa ulat ng City Health Office (CHO).
Ayon kina CHO Head Dr. Francis Gerald Gomez at Mayor Hisham Ismail, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagdami ng kaso ay ang hindi tamang pag-iimbak ng tubig sa mga kabahayan na nagiging pamugaran ng mga lamok.
Upang mapigilan ang pagkalat ng sakit, mahigpit na pinapaalalahanan ang publiko at mga opisyal ng barangay na gawin ang mga sumusunod:
* Takpan ang mga iniimbak na tubig upang hindi pangitlugan ng mga lamok.
* Ugaliin ang 4 O'Clock Habit, kabilang ang palagiang paglilinis ng kapaligiran at pagtatapon ng mga naipong tubig.
* Magsagawa ng regular na inspeksyon ang mga Barangay Health Workers sa kani-kanilang mga nasasakupan.
View original post