SAWA, NATAGPUAN SA ISANG UKAY-UKAY SA DUMAGUETE CITY

Aug 12, 2026, 12:37 PM

SAWA, NATAGPUAN SA ISANG UKAY-UKAY SA DUMAGUETE CITY DUMAGUETE CITY — Nasagip ng mga awtoridad ang isang sawa (python) matapos itong matagpuang nagtatago sa mga panindang ukay-ukay sa isang tindahan sa Brgy. Kalindagan, Dumaguete City. Napansin ng mga empleyado ng establisyemento ang ahas na nakapulupot sa gitna ng mga ibinebentang stuffed toys. Agad namang tumawag ng pulisya ang mga tauhan ng tindahan upang i-report ang insidente at humingi ng tulong. Base sa mga ulat, posibleng gumapang ang sawa papasok sa tindahan mula sa isang madamong lugar na malapit sa establisyemento. Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.
View original post