2 bagong mobile pump mula sa DPWH, naiturn-over sa Lungsod ng Naga
Aug 12, 2026, 10:37 AM

2 bagong mobile pump mula sa DPWH, naiturn-over sa Lungsod ng Naga
NAGA CITY — Natanggap na ng Pamahalaang Lungsod ng Naga ang dalawang bagong mobile pump mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Agosto 11 upang mapalakas ang kakayahan ng lungsod sa pagtugon sa pagbaha at pagkontrol sa tubig-ulan.
Ibinahagi ni Naga City Mayor Leni Robredo ang pagdating ng mga kagamitan, na layong magbigay ng mabilis na suporta sa mga mabababang barangay na madalas naapektuhan ng pag-apaw ng tubig kapag may bagyo o malakas na pag-ulan.
Ayon sa pamahalaang lokal, malaking tulong ang mga mobile pump dahil madali itong maibabyahe at maipuposisyon sa mga kritikal na lugar upang agad na maipomba pabalik sa mga pangunahing daluyan ang naipong tubig-baha.
Ang turnover na ito ay bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Naga sa DPWH upang mapaganda ang mga imprastraktura at mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod.
#RobredoOragonArugon
View original post