DOLE, walang sinasanto: Ateneo at Tab Baldwin, pinagbayad ng halos ₱10-M dahil sa kawalan ng working permit
Aug 11, 2026, 8:17 PM

DOLE, walang sinasanto: Ateneo at Tab Baldwin, pinagbayad ng halos ₱10-M dahil sa kawalan ng working permit
Hindi pinalampas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kapabayaan maging ng isang tanyag na unibersidad matapos nitong patawan ng dambuhalang multa ang Ateneo de Manila University (ADMU) at ang dating head coach nitong si Tab Baldwin.
Pinagmumulta ng ahensya ang ADMU at si Baldwin ng tig-₱4.9 milyon (umaabot sa halos ₱10 milyon sa kabuuan) matapos mapatunayang nagtrabaho ang dayuhang coach nang walang kaukulang Alien Employment Permit (AEP) at certificate of exemption. Ayon sa DOLE, kapwa administratibong mananagot ang unibersidad at ang coach dahil sa malinaw na paglabag sa Article 40 ng Labor Code.
Ang hakbang na ito ay nagsisilbing mahigpit na babala sa iba pang mga institusyon at kumpanya na huwag balewalain ang tamang proseso sa pagkuha ng mga dayuhang empleyado. Ang nasabing multa ay labas pa sa hiwalay na parusang ipinataw ng UAAP.
#rene #Ateneo #TabBaldwin
View original post