Dumalo Si mayor Phillip Dumalasa sa isinasagawang Camp Coordination and Camp Management (CCCM) Training ngayong umag...
Aug 11, 2026, 1:22 PM

Dumalo Si mayor Phillip Dumalasa sa isinasagawang Camp Coordination and Camp Management (CCCM) Training ngayong umaga sa 2nd Floor Lobby ng ating Municipal Building.
Pinangunahan ng MDRRMO at DILG ang nasabing pagsasanay para sa mga empleyado ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) at DSWD. Ang tatlong araw na aktibidad, na gaganapin mula Agosto 11 hanggang 13, ay naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman sa tamang pamamahala ng mga evacuation center at pag-asiste sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Ang pagpapalawak ng kaalaman sa disaster response ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at mas matatag na Calabanga.
#MDRRMO #MSWDO #LGUCalabanga #ArangkadaCalabanga
View original post