BU 'First Day Fight' Protesta
Aug 11, 2026, 11:47 AM

BU 'First Day Fight' Protesta
Nagsagawa ng "First Day Fight" na kilos-protesta ang iba't ibang organisasyon ng mag-aaral sa Bicol University (BU) College of Science nitong Lunes, Agosto 10, sa pangunguna ng BUeños Kontra Korapsyon (BKK).
Pangunahing ipinanawagan ng mga lider-kabataan ang pagtutol sa proyektong Pax Silica sa Tarlac bilang pagpapakita ng pakikiisa sa mga apektadong komunidad doon. Bukod dito, mariin nilang kinondena ang serye ng red-tagging sa rehiyon at binatikos ang administrasyon ng pamantasan dahil sa diumano'y kawalan ng aksyon at proteksyon para sa mga biktima nitong estudyante.
Iginiit din ng University Student Council at ng mga raliyista ang patuloy na paglaban para sa karapatan ng mga mag-aaral, pati na ang pagsusulong ng makabayan at makamasang edukasyon na nakasentro sa kapakanan ng mga Pilipino sa halip na sa interes ng mga dayuhan.
View original post