VLOGGER, UMANI NG BATIKOS SA GINAWANG CONTENT SA SENIOR CITIZEN NA TAHO VENDOR SA BAGASBAS BEACH DAET

Aug 10, 2026, 1:29 PM

VLOGGER, UMANI NG BATIKOS SA GINAWANG CONTENT SA SENIOR CITIZEN NA TAHO VENDOR SA BAGASBAS BEACH DAET Umani ng batikos mula sa mga netizen ang isang vlogger matapos kumalat sa social media ang video kung saan isinama niya sa content ang isang senior citizen na taho vendor. Sa video na kalaunan ay tinanggal na, makikitang nakipag-fist bump ang matandang vendor sa content creator. Makikita rin ang kanyang tuwa habang nakikipag-interact dito. Matapos iabot ang ₱50 inakala umano ng vendor na maaari itong ibinigay sa kanya. Kalaunan ay lumabas na ang halaga ay pambayad lamang sa taho na binili mula sa kanya. Dahil dito, maraming netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya at kinuwestiyon ang paraan ng content creator sa paggawa ng naturang video, lalo na’t isang senior citizen na naghahanapbuhay ang naging sentro ng content. Sa halip na ang vlogger ang pagtuunan ng pansin, mas maraming netizen ang nagpahayag ng paghanga sa taho vendor dahil sa kanyang naging reaksyon. Sa kabila ng sitwasyon, hindi umano ito nagalit o nakipagtalo. Sa halip, nanatili siyang mahinahon at nagpasalamat pa rin. Dahil dito, marami ang nagsimulang maghanap sa vendor upang personal na makapagpaabot ng tulong, regalo at pasasalamat. (📸 Contributed Photo)
View original post