Mahigit 600K Bata sa Bicol, Target Mabakunahan Kontra Measles at Rubella

Aug 10, 2026, 11:08 AM

Mahigit 600K Bata sa Bicol, Target Mabakunahan Kontra Measles at Rubella TINGNAN | Sinimulan na ngayong araw ng Department of Health (DOH) Bicol ang malawakang pagbabakuna kontra measles-rubella para sa mga batang edad 6 hanggang 59 na buwan. Isa ang Barangay Concepcion Pequeña sa Naga City sa mga lugar kung saan idinaos ang aktibidad, na sinabayan din ng Vitamin A supplementation. Ayon sa DOH, mahigit 600,000 bata ang target na mabakunahan sa buong rehiyon.
View original post