👑 BALITANG PEÑAFRANCIA 2026

Aug 10, 2026, 10:07 AM

👑 BALITANG PEÑAFRANCIA 2026 Official Candidates ng Miss Gay Bicolandia, Pormal Nang Iprinesenta! NAGA CITY — Iprinesenta na ng Cher Ami International ang mga opisyal na kandidata na maglalaban-laban para sa korona ng Miss Gay Bicolandia 2026, mula sa 35 na aplikanteng sumali sa kompetisyon. Ginanap ang masigasig na screening at official presentation sa 2nd floor ng PAGCOR Building na matatagpuan sa Balatas New Development Complex. Suporta mula sa Gobyerno Ang patimpalak na ito ay naging matagumpay sa pamamagitan ng unang pagsuporta ng Local Government Unit (LGU) ng Naga at ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte. Tampok sa Peñafrancia Fiesta Ang Miss Gay Bicolandia ay isa sa mga pinaka-inaabangang Civic Events na taunang idinaraos tuwing Peñafrancia Fiesta. Mas magiging espesyal at tututukan ang kompetisyon ngayon, lalo na't kinumpirmang walang gaganaping tradisyunal na Miss Bicolandia pageant ngayong taon. #peñafrancia2026
View original post