🚨 RIDER, PUMAILALIM SA OIL TANKER SA TABACO CITY

Aug 10, 2026, 9:15 AM

🚨 RIDER, PUMAILALIM SA OIL TANKER SA TABACO CITY TABACO CITY — Isang aksidente sa kalsada ang naitala kagabi, Agosto 9, 2026, sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Quinale, Tabaco City na kinasangkutan ng isang motorsiklo at isang oil tanker. Sa mga kuha sa mismong pinangyarihan ng insidente, makikitang pumailalim ang rider ng motorsiklo sa nasabing tanker. Mabuti na lamang at mabilis na nakaresponde ang mga naka-standby na kawani ng Tabaco City Philippine National Police (PNP) at Public Safety Office (PSO). Agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas. šŸ“ø Larawan mula kay: Francis B. #OragonNews
View original post