🚨 KABAONG, ITINAWID SAKAY NG STYROFOAM BOAT SA GITNA NG BAHA 🚨

Aug 9, 2026, 6:07 PM

🚨 KABAONG, ITINAWID SAKAY NG STYROFOAM BOAT SA GITNA NG BAHA 🚨 Hindi naging hadlang ang malakas na ulan at pagbaha upang ihatid sa huling hantungan ang isang 80-anyos na lola sa Barangay Dela Paz, Biñan City, Laguna nitong tanghali ng Agosto 9. Dahil hindi na kayang pasukin ng mga sasakyan ang kalsadang lubog sa baha, gumawa ng paraan ang mga kaanak. Isinakay nila sa isang improvised styrofoam boat ang kabaong upang ligtas itong maitawid patungo sa lugar kung saan naghihintay ang karo ng patay. 📸: Randy Laviña
View original post