BINIBINING TIGAON 2026

Aug 9, 2026, 2:13 PM

BINIBINING TIGAON 2026 TIGAON, Camarines Sur — Magsisimula na ang kauna-unahang Binibining Tigaon 2026 sa pagbubukas ng Unang Araw ng Billeting ng mga kandidata ngayong gabi, Agosto 10, ganap na ika-6:30 ng gabi sa Zone 7, Barangay Abo, sa bayang ito. Ang naturang kaganapan, na gaganapin sa likod ng EP Lelis Senior High School, ay bahagi ng mga paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan ng Tigaon. Inorganisa ang aktibidad ng Team One Tigaon sa pangunguna ni Gobernador Lray Villafuerte at sa pakikipagtulungan ng lokal na pamunuan sa ilalim ni Kap J. Tampok sa nasabing pagtitipon ang pormal na pagpapakilala sa mga kandidatang magtatagisan sa korona, pati na rin ang mga inihandang pagtatanghal at sorpresa para sa mga mamamayan. Magkakaroon din ng grand raffle draw kung saan sampung (10) sakong bigas ang ipamimigay sa mga mapapalad na dadalo. Inaanyayahan ng pamunuan ng barangay at ng organizers ang buong komunidad ng Tigaon na dumalo, makiisa, at sumuporta sa nasabing kaganapan. COURTESY KAP J LELIS
View original post